Parang Tayo I

Tinawag mo ako sa kalapayan
Sinundan kita
Hiniling mo ang aking balat
Iniladlad ko
Pinisil mo ang aking ugat
Ikinimpi ko

Tinanong mo ako:
“Ano ang kapalit ng aking pag-ibig?
Handa ka ba na inumin ang aking dugo,
Mangisay sa sakit, at mawalan ng kulay ang buhay?”

Sinta, handa ako.